Biazon walang inuurungan

HINDI nakalusot sa mga opisyal ng Customs sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Ruffy Biazon ang kamakailan lamang ay nasabat na may P10 milyong halaga ng manta ray at sting ray na mga pawang endangered species na sa bansa.
Ang naturang 2,300 kilo ng iligal na kargamento ay dumating sa Sub-Port of Manila North Harbor lulan ng MV Princess of the South noong August 12, 2012 na siyang agad na nakaalarma sa mga opisyal ng Customs matapos mapag-alamang ibiniyahe ito mula sa Cebu nang walang kaukulang mga dokumento.

Hindi pa rin talaga nawawala ang sigla ng Customs pagdating sa anti-smuggling operations nito na hanggang ngayon ay nasasaksihan pa rin natin.

Magandang katangian ang ipinakikitang determinasyon ni Biazon sa pagganap nito sa kanyang tungkulin na talaga namang kahanga-hanga.

Ayon kay Biazon, hindi lamang polisiya ng kanyang pinamumunuang ahensiya ang mahigpit niyang ipinatutupad, pati na rin ang pangangalaga sa likas-yaman ng bansa ay kanyang tinututukan lalo na ang kalakaran ng paglalabas ng itinuturing na endangered species sa bansa.

Dahil sa malaking halaga ng bentahan ng ganitong uri ng mga produkto sa labas ng bansa, mahirap ang tuluyang pagpigil sa gawaing ito. Ngunit sa ipinapakitang pagpupursige ng Customs, ‘di magtatagal at mahihinto rin ang iligal na kalakarang ito.

Tama ang desisyon ni Biazon na ipataw ang maximum penalty na naaayon sa batas sa mga nasa likod ng smuggling attempt na ito.

Talagang walang inuurungan itong si Biazon pagdating sa mandatong kailangan nitong tugunan sa kanyang trabaho at siyempre, ayaw rin naman niyang masira ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Noynoy Aquino.

Mukhang naka-jackpot talaga ang Customs kay Biazon…at tuloy-tuloy rin ang pagbabalik ng integridad ng ahensiyang ito sa kamay ng kasalukuyang pamunuan dito.

Isang magandang halimbawa si Biazon ng opisyal ng pamahalaan na hindi nagpaapekto sa mga paninirang minsan nang naipukol sa kanyang ahensiya ng ilang mapagsamantala.

Ngayon, kitang-kita ang buhay na buhay na Customs na walang inuurungan at walang sinasanto sa pagganap nito sa responsibilidad sa sambayanang Pilipino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply