Bibitaying Pinay sa Malaysia inaayudahan na

TINUTULUNGAN na ng gobyerno ng Pilipinas ang isang Pinay na nahatulan ng kamatayan sa Malaysia makaraang napatunayan na nag-ingat ng isang bag na naglalaman ng dalawang kilong heroin pati na morpina noong Marso 28, 2012 sa Kuala Lumpur International Airport, makaraang umapela ang embahada ng bansa sa Malaysian court.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, nagsumite na ng apela ang abogadong nakatalaga sa Pinay nang mapatawan siya ng korte ng parusang kamatayan noong Setyembre 28.

Batay sa impormasyon, positibong nag-ingat ng 800 gramo ng heroin at morpina ang akusado habang nasa paliparan ng Kuala Lumpur.

Ayon sa embahada, tinatayang aabutin ng dalawang taon bago makapagpasya ang hukuman hinggil sa nabanggit na kaso.

Nabatid na maisasampa sa Federal Court ang apela ng akusado.

Kung anuman ang maging hatol nito ay saka pa lamang may mababago ang naunang desisyon ng mababang korte.

Ipinagmalaki pa ng embahada na limang Pinoy na pawang nahatulan ng kamatayan ang nakalaya matapos bigyan ng clemency ngayong taon.

Samantala, depensa ng Pinay na ibinigay sa kanya ng isang Nigerian ang bag na kaibigan naman ng kanyang nakilala sa Malaysia.

Napag-alaman din na binigyan na rin siya ng abogado na magtatanggol sa kanya hanggang bumaba ang sentensiya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply