Bid para sa IT system ng LTO iniurong sa Nob 14

INIURONG ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa Nobyembre 14 ang bid para sa IT system ng Land Transportation Office.

Nilinaw ng DOTC na ang paglilipat ng petsa ng bid ay bilang paghahanda ng DOTC sa pagtatapos ng kontrata nila sa Stradcom Corporation sa Pebrero 2013.

Ang Stradcom ang humahawak sa IT system ng LTO o ang database ng mga rehistradong sasakyan at iba pang may kaugnayan sa ahensya.

Ayon kay Transportation Undersecretary Rene Limcaoco, iniurong nila sa Nobyembre 14 ang deadline para sa pagsusumite ng bid upang makahikayat ng mas maraming bidders.

Labintatlong (13) taon na rin umano ang IT System na ginagamit ngayon kaya’t hindi na ito makatugon sa kasalukuyang mga regulasyon.

Sa pamamagitan ng makabagong sistema, magiging malaking tulong ang database ng LTO upang mabilis ang pagkuha ng impormasyon lalo na sa mga nakaw na sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply