Big-time rollback sa langis ipatutupad bukas

SIMULA na ngayong Lunes, October 29, ang malakihang rollback ng mga kumpanya ng langis sa presyo ng kanilang mga produkto.

Ayon sa report, magtatapyas ang Petron ng P2.15 kada litro ng Blaze 100, XCS Plus at Xtra habang P1.70 kada litro ng Pinoy at Regular Gasoline simula Lunes, alas-12:01 ng madaling-araw.

Ipapatupad naman ang P1.35 kada litrong tapyas sa presyo sa Turbo Diesel, DieselMax at kerosene.

Magro-rollback din ang Eastern Petroleum ng P2 sa Premium Intensity gasoline at unleaded, at P1.35 sa diesel at kerosene at P1.75 sa regular gasoline.

Magbabawas naman ang Seaoil ng P2.15 kada litro ng premium at unleaded gasoline, P1.35 kada litro ng diesel at kerosene at P1.70 sa regular gasoline.

Para naman sa Unioil, P2.30 ang ibabawas kada litro ng gasolina at P1.30 sa diesel samantalang ang Phoenix Petroleum Philippines ay magbabawas ng P2.15 kada litro sa premium at unleaded gasoline, P1.70 sa regular gasoline at P1.35 kada litro ng diesel.

Epekto pa rin umano ito ng patuloy na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa world market.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply