Billboards sa main roads pinababaklas ng MMDA

MULING ipina-alala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na baklasin na ng mga billboard operator ang kanilang mga tarpaulin sa kahabaan ng mga pangunahing kalsada.

Ang abiso ay upang makaiwas sa posibleng trahedya lalo’t kapag dumarating na bagyo.

Partikular na tinukoy ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang mga billboard sa kahabaan ng EDSA, Quezon at Commonwealth Avenues sa Quezon City.

Karaniwan ng sanhi ng aksidente ang mga billboard dahil ang mga ito ang kadalasang unang tumutumba o nakakalas sa tuwing malakas ang hangin na dala ng mga bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply