Binata binangga muna bago dinukutan

BINANGGA muna bago dinukutan ng cellphone ng isang binata nang hindi pa kilalang lalaki habang naglalakad sa Caloocan City, sabado ng umaga.

Sa pahayag ng biktimang si Arnel Granja, 20 ng PNR Compound, dakong alas-6:30 ng umaga, naglalakad siya sa Samson Road, kapwa ng lungsod nang banggain ng suspek.

Sa pag-aakalang hindi sinasadya ang pagbangga sa kanya ay hindi na pinansin ng biktima ang suspek.

Ngunit nang kapain ang Samsung Galaxy sa bulsa ay wala na ito.

Hindi na rin nakita ng suspek ang biktima na agad na nagpunta sa himpilan ng pulisya upang ireport ang nangyari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply