Binata binaril, dedo

TIGOK ang isang binata matapos itong baralin ng kalaro sa cara y cruz nang magkaroon ng mainitang pagtatalo kaninang madaling araw sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Dead on spot sa pinangyarihan si Teotimo De Vega, 38, ng 84 Kalayaan St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan sa di pa batid na kalibre ng baril.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Andoy ng nasabi ring lugar dala ang ginamit na baril.

Ayon sa ulat, dakong alas 3:00 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa Kalayaan St. sa nasabing barangay.

Nabatid na ilang kalalakihan ang naglalaro ng cara y cruz at sa hindi malamang kadahilalan nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa bigla na lamang nagbunot ng baril si Andoy at malapitang pinaputukan na agad ikinasawi ng biktima.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo ng insidente, habang nagpalabas ng manhunt operation ang awtoridad sa agarang ikadarakip sa salaring si Andoy.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply