Binata binoga habang naglalaro ng basketball, dedo

BINOGA ang isang 29 anyos na binata nang hindi nakilalang mga salarin habang nakikipaglaro ng basketball sa Tondo, Maynila kahapon.

Dead on the spot ang biktimang si Mark Aloba, walang trabaho, ng  224 Padre Rada St., Tondo, sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report ng pulisya, dakong 2:30 ng hapon nang naganap ang insidente sa loob ng Gate 48 Parola compound, Tondo.

Nabatid na nagpaalam ang binata sa kanyang tiyahin si Wilma Aloba, Barangay Kagawad ng Bgry 29 Zone 2, District 1 upang maglaro ng basketball kasama ang isang kaibigan .

Ngunit makalipas lamang ang ilang oras ay nakatanggap nang masamang balita si Wilma na binaril ang kanyang pamangkin habang naglalaro ng basketball.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa motibo sa pagpatay at ang posibleng pag-aresto sa suspek.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply