Kelot kritikal sa pananaksak

NASA kritikal na kondisyon ang isang binata matapos saksakin ng tiyuhin ng binatilyong nambatok sa kanyang pamangkin sa Navotas kagabi, Oktubre 4.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa katawan si Richard Namoc, 32, binata, ng Phase 2 ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Ramon Godonez, 54 ng Longos, Malabon City.

Nabatid na bago ang insidente ay nagsumbong kay Namoc ang pamangkin na si Jay na binatukan umano siya ni Ariel, na pamangking ng suspek sa loob ng computer shop.

Dakong alas-8:40 ng gabi, nakita ng biktima si Ariel sa Martiniko St., ng lungsod at kinumpronta ito.

Sakto namang napadaan si Godonez at nakipagtalo sa biktima.

Nagbunot ng patalim si Godonez at pinagsasaksak ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply