Binata kulong sa panghoholdap ng tindahan

KULONG ang isang binata habang nakatakas ang dalawang hindi pa kilalang kasama nang holdapin ang tindahan ng cassava cake sa Caloocan City kagabi, Oktubre 23.

Nakilala ang nadakip na si Rodel Tepongco, 21, ng Payatas, Quezon City.

Batay sa ulat, dakong alas-7 ng gabi nang holdapin ng mga suspek ang Tensix Cassava Cake Store sa Samson Road ng lungsod.

Kinuha ng mga suspek ang P1,200 benta ng tindahan bago tumakas subalit nakahingi ng tulong sa mga pulis ang tinderong si Richard Janiola, 19.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek hanggang sa madamba si Tepongco at nahulihan ng patalim subalit natangay ng mga nakatakas ang pera ng tindahan.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga nakatakas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply