Binata nasalpok ng tren, dedbol

DEDBOL ang isang binata makaraang masalpok ito ng isang tren sa Albay alas-6:00 kagabi.

Kinilala ang biktima na si Joseph Cerillo Y Ceo, 17, ng Barangay Sugcad, Polangui, ng nasabing lalawigan.

Nabatid na papauwi na sana ang biktima nang mabangga ito ng tren.

Sa ulat, hindi napansin ng tumatawid na binata ang paparating na tren kaya nasalpok ito at tumilapon pa.

Naisugod pa sa ospital si Cerillo subalit idineklara itong patay na ng attending physician.

Kasalukuyang nakalagak ang bangkay ng biktima sa Samson Funeral Homes para sa awtopsiya.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply