Binata ninakawan na pinatay pa

NINAKAWAN na, pinatay pa sa bugbog ang isang binata ng mga hindi pa kilalang suspek sa Valenzuela City, kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Jommar Acosta, 22 ng Potrero, Malabon City.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga nang makita ang biktima na nakaupo malapit sa Shell Gas Station sa East Service Road, Paso De Blas ng lungsod.

Nang lapitan ng ilang saksi ay nakitang maga ang mukha ng biktima na naging dahilan upang tumawag ng ambulansiya at dinala sa Valenzuela General Hospital subalit hindi na umabot nang buhay.

Lumalabas na kasama ng biktima ang kasamahan na si Remark Navarro kung saan inabot ng madaling araw sa pag-inom sa beerhouse.

Wala na rin ang wallet at cellphone ng biktima na sinasabing tinangay ng mga suspek.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply