Binata niratrat, tigbak

PATAY ang isang 19-anyos na binata nang pagbabarilin ng isang hindi nakilalang salarin habang naglalakad patungo sa isang tindahan kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Dead on the spot ang biktimang si Felix dela Cruz. Nakatira sa 556 J. Luna St., sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng kalibre .40 pistola sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Tumakas naman kaagad ang nag-iisang salarin patungo sa Libertad St. makaraan ang pamamaril.

Batay sa natanggap na ulat ni Pasay Deputy Chief Supt. Manuel Turla, naganap ang insidente ng pamamaslang dakong alas-12:30 ng madaling araw sa kanto ng J. Luna at Aurora St. matapos lumabas ng isang internet shop at biktima upang bumili ng sigarilyo sa katapat na tindahan.

Dumating umano ang nag-iisang suspect na sakay ng isang motorsiklong hindi nabatid ang plaka at bigla na lamang pinagbabaril ang suspect na naging dahilan ng kaagad nitong kamatayan.

Nagresponde naman ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 5 sa lugar na pinangyarihan ng pamamaslang at tinangkang habulin ang salarin subalit hindi na nila ito inabutan.

Nakuha ng mga imbestigador sa pangunguna ni SPO3 Ronaldo Frades sa lugar na pinangyarihan ng pamamaslang ang anim na basyo ng kalibre .40 pistola at dalawang slug na mula sa armas na gamit ng suspect.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naturang pamamaslang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply