Binata sinumpak, kritikal

KRITIKAL ang isang binata matapos sumpakin ng kaaway habang sakay ng bisekleta sa Valenzuela City kahapon, Oktubre 5.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sumpak sa katawan si Ryan Verdejo, 30 ng RMS Ville, Gen. T. De Leon ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Israel Dapat, nasa hustong gulang ng Vicente Delos Reyes, Gen. T. De Leon ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-5:45 ng hapon, sakay ang biktima ng kanyang bisekleta at pagsapit sa Santos Cmpd., Gen. T. De Leon ay sinumpak ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMMC.

Inaalam na ng mga pulis ang pinag-awayan ng biktima at suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply