Binatang nalunod sa La Union narekober na

NAKITA na ang bangkay ng 17-anyos na binata na nalunod sa dagat ng Barangay Pugo, Bauang, La Union alas-9:30 kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Alex John Padilla,  ng Baguio, Benguet, nakitang patay nang palutang-lutang sa nasabing lugar.

Nabatid na naliligo sa dagat ang biktima kasama ang mga kaibigan nang biglang tangayin ng malakas na alon.

Kaagad namang sumaklolo ang mga mangingisda at nailigtas ang dalawang kasamahan ng biktima na sina Lauren Liclican, 16, at Jenny Bhabe Untalan, 18, ngunit malas na binawian ng buhay ang binata.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply