Binatilyo nabiktima ng budol-budol gang

NATANGAY ang mamahalin cellphone ng binatilyo matapos biktimahin ng budol-budol gang sa Caloocan City.

Sa pahayag ng biktimang edad-15 ng Panghulo, Malabon City, dakong ala-1:30 ng hapon kahapon, naglalakad siya sa Samson Road, Caloocan City nang lapitan ng apat na lalaki at nagtanong kung saan ang daan sa MacArthur Highway.

Itinuro naman ng biktima ang daan hanggang sa palibutan na ito ng mga suspek sabay abot ng nakataling panyo at sinabing mamahalin singsing ang laman.

Ipinasasanla ng mga suspek ang singsing subalit kinuha ang Apple cellphone ng biktima
at ibabalik lang kapag naisanla na ang singsing.

Tumanggi ang biktima subalit nagpakita ng baril sa bewang ang isa sa mga suspek na naging dahilan upang hindi na pumalag ang binatilyo.

Nang makalayo ay binuksan ng binatilyo ang panyo subalit laking gulat nang walang nakitang singsing na naging dahilan upang umuwi at magsumbong sa tatay.

Agad na sinamahan ng ama ang anak sa presinto at ipinaalam ang pangyayari na naging dahilan upang imbestigahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply