Binatilyo nakitang patay sa damuhan

NAKADAPA nang makita ang bangkay ng isang hindi pa kilalang binatilyo sa madamong bahagi sa bakanteng lote sa Valenzuela City.

Tinatayang nasa edad 15 hanggang 17 ang biktima, payat at short na maong lang ang suot.

Sa ulat, dakong alas-4 ng hapon nang makita ang bangkay ng biktima sa bakanteng lote sa Friends Ville, Bignay ng lungsod ni July Magcarang ng nasabing lugar.

Agad na sinabi sa mga pulis ang nakita at nang respondehan ay wala naman nakitang palatandaan na pinatay ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang ikinamatay ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply