Binatilyo niratrat, tigbak

TODAS ang binatilyo matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na nakasuot ng bonnet sa Barangay Tinajeros, Malabon City, Oktubre 12.

Dead on the spot si Warren Agao Y Bangaon, 17, Muslim Maranao, at residente ng Sto Niño, Baclaran, Pasay City sanhi ng dalawang tama ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Base sa pinagsanib na imbestigasyon nina Sp03 Ferdinand Espiritu at P02 Jun Belbes ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon police, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa kalye Misina ng nasabing barangay.

Nabatid na naglalakad ang biktima para bumisita sa kanyang kapatid nang biglang harangin ng dalawang suspek at agad na pinagbabaril ang biktima.

Ayon naman kay PSI Romulo Mabbrorang hepe ng PCP4, inamin ni Princess Agao, kapatid na babae ng biktima na may mga iligal na aktibidades ang kanyang kapatid.

Patuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply