Binatilyo todas sa truck

TODAS ang isang binatilyo matapos magulungan ng truck ang biktima habang nagbibisekleta sa Valenzuela City kaninang umaga.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo si Razzel Dizon, 15, ng San Agustine Village, Mapulang Lupa ng lungsod.

Pinaghahanap naman ang driver ng truck (WBC-603) na nagrarasyon ng tubig na mabilis na tumakas.

Batay sa ulat, dakong alas-9 ng umaga, nagbibisekleta ang biktima sa Apolinaria st., ng nasabing lugar nang mag-overtake sa truck ng suspek.

Paglagpas ng biktima ay na-cut ang truck na hindi na nakaiwas na mabangga at magulungan na naging dahilan ng kamatayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply