Binay nasa Roma na para sa kanonisasyon ni Beato Calungsod

NASA Roma na si Vice President Jejomar Binay para pangunahan ang delegasyon ng Pilipinas sa nakatakdang kanonisasyon ni Beato Pedro Calungsod sa Vatican City bukas.

Si Binay ang itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III para pangunahang ang tinatayang 500,000 mga Pilipino na magiging saksi sa pagtanghal kay Calungsod bilang ikalawang Santong Filipino.

Ayon kay Binay, ang presensya ng libu-libong Pinoy na nasa Roma at milyong-milyong nasa iba’t ibang panig ng mundo na nag-aabang sa napaka-espesyal na okasyong ito ay lalong magpapatibay sa pananampalataya bilang isang nagkakaisang bansa.

Kaugnay nito, tuloy-tuloy ang paghahanda ng Simbahang Katolika maging ang mga deboto ni Blessed Pedro Calungsod bukas.

Ilan sa mga simbahang itinalaga na maging sentro ng selebrasyon para sa makasaysayang araw na iyon ay ang Santo Niño Church sa Tondo sa Maynila; Good Shepherd Cathedral sa Novaliches, Quezon City; at sa Don Bosco Technical Institute sa Makati City.

Bukod dito, inaasahang dadagsa rin ang mga deboto sa National Shrine of St. Joseph sa Mandaue Cebu na magpapalabas ng live feed mula sa Vatican.

Sa Roma, nagsimula na ang triduum mass para kay Blessed Pedro Calungsod mula pa noong Huwebes na naroon ang official image ng ikalawang Santong Filipino na kikilalanin ng Santo Papa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply