Binebentang baso, mug sa tiangge iimbestigahan

DUMULOG sa House committee on health at committee on trade and industry si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez upang magsagawa ng imbestigasyon para maregulate ang bentahan ng mga drinking glass at coffee mug sa mga tiangge at bangketa.

Batay sa House Resolution 2812 ni Rodriguez, lumalabas sa pag-aaral na nagtataglay ng napakataas na antas ng lead ilang ang mga baso at coffee mugs na mabiling-mabili sa mga tiangge at mga lansangan.

Nabatid na umaabot sa 44,400 parts per million ang antas ng lead (lead content) ng mga drinking glasses at coffee mugs na 500 beses ang taas sa 90 ppm na inaprubahang lead content ng isang produkto ng US Consumer Product Improvement Act of 2008.

Kapag naisubo lalo na ng mga bata ang mga baso o mugs na may mataas na lead content ay maaari itong magdulot ng ilang problemang pangkalusugan tulad ng paghihina ng mga daliri, braso at kasu-kasuan; pinipigilan din nito ang maayos na pagdaloy ng dugo; at maaaring makaapekto sa utak at sa kidney.

Maliban dito, sinabi rin sa pag-aaral na maaaring maging sanhi ng pagkabaog ang masyadong mataas na lead content.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply