Binga, Magat dam nagpapakawala ng tubig

NAKABUKAS ang dalawang gate ng Binga Dam sa Benguet at Magat Dam sa Ifugao-Isabela.

Ito ay upang magpakawala ng tubig at maiwasan ang pag-apaw ng dam dahil sa patuloy na pag-ulan bunsod ng bagyong Marce at Habagat.

Ayon sa PAGASA, kaninang alas-6:00 nasa 574.52 meters ang water level ng Binga Dam, mas mataas kumpara sa 574.31 meters na naitala sa kaparehong oras nitong Martes.

Sa Magat Dam, kaninang alas-6:00 ng umaga naitala sa 192.38 meters ang water level nito na mas mataas sa 191.69 meters kahapon ng umaga.

Sa Quezon City, bahagyang tumaas ang level ng tubig sa La Mesa Dam ng hanggang 79.25 meters mula sa 79.23 meters na naitala kahapon ng umaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply