‘Binola’ ni Col. Descalzo ang sugal sa Rosario

SUMAGOT si Supt. Miguelito Jabaybay Descalzo, Chief of Police ng Rosario, Cavite kaugnay sa ating mga pagbubulgar na ginawa sa iligal na sugal sa kanyang AOR.

Punahin mo, Col. Descalzo ang katotohanang ito: Ayon sa aking impormante, dalawang uri ng sugal ang namamayagpag sa lugar mo: Jueteng at Poker.

Bago ko inilathala ay palihim ko itong ipinaberipika.

Ang nakadududa, nu’ng ayon sa iyong mga intel, kumpirmado ang isang “laro” sa eksaktong lugar o bolahan na aking binanggit sa kolum.

Ang katwiran mo lang ay pag-aari ito ng Meridien Vista Gaming Corporation na may kaukulang permiso.

Pero ang “Poker” na halos minamagdamag at isang Barangay Kagawad pa ang umiikot sa mga manlalaro ay sinabi mong negatibo. Bakit? Dahil ba sa wala kang justification?

Ano naman ang motibo ng aking “tipster” para magbigay ng dalawang uri ng operasyon kung isa lang dito ang totoo?

At tumbok pa ang eksak-tong lugar ng operasyon!

Walang pinag-iba, parekoy, sa sumbong na “graft and corruption,” kinumpirma ang graft pero wala raw corruption!

Bwar, har, har!

Tungkol sa umano’y tinatanggap nina Col. John Bulalacao at Gen James Andres Melad, ito ay “conclusion” lamang ng mga tao sa nasabing lugar na akin namang inilathala.

Dahil ang “kwentada” nila, kung walang “lagay” sa dalawang mataas na opisyal ng PNP sa Cavite at Region 4-A ay bakit hindi ito masawata?

Pero dahil tiniyak mo, Col. Descalzo, na walang tinatanggap itong dalawang opisyal ay paniniwalaan kita.

Pero hindi ko masisisi ang mga nagrereklamong taga Rosario, Cavite kung ikaw ang kanilang paghihinalaang tumatanggap ng lingguhang lagay sa iligal na sugal!

Alangan namang si PNP Chief Bartolome! Hak, hak!

Pero kung talagang hindi ka rin namamantikaan (etsus!) at desidido kang mapatunayan ang “Poker” na binabanggit ng aking impormante, ito ang dapat mong gawin.

Huwag kang gagamit ng  pulis sa pagmamanman at baka ang magamit mo ay “bolero” rin na gaya mo! He, he, he!

Magpadala ka ng “tsismosa” at ipatanong mo kung bakit karamihan sa tagaroon ay tanghali na kung gumising!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply