BIR bigo na naman sa tax collection – Suarez

MULI na namang nabigo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na makakolekta ng target na buwis kung kaya pinagtiyagaan na ang pagtataas ng mga  bayad sa mga dokumento.

Binigyang diin ni House Minority Leader Danilo Suarez na “wrong timing” ang Administrative Order (AO) number 31 ni Pangulong Noynoy Aquino.

Aniya, hindi naman malakas ang ekonomiya ng bansa para magtaas ng singil sa document at service fees ng gobyerno.

Ito ang pangunahing dahilan kaya ipinatupad ang indirect taxation ng pamahalaan na ayon kay Suarez ay hindi naman bawal subalit kailangan aniyang ikonsidera ang kondisyon ng publiko.

Paliwanag pa ni Suarez na hindi napapanahon ang anumang dagdag na singil lalo pa at binabalikat pa ng taumbayan ang mataas ng presyo ng produktong petrolyo at pangunahing bilihin.

Patutsada pa ni Suarez na posibleng bigo ang BIR na makolekta ang kanilang target revenue na nag-udyok upang humanap ng ibang mapagkukunan ng kita.

Naniniwala si Suarez na maaaring harangin ang implementasyon ng AO 31  sa korte ngunit imposible aniyang may mangyari dito dahil hawak din ng Pangulo ang Korte Suprema.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply