Birthday wish ay mabayaran na ang 2M na nautang sa kanya!

NAG-CELEBRATE ng kaarawan si RR Enriquez nu’ng Sabado  (October 19) pero isang simpleng dinner lang. Pabirong birthday wish niya, sana raw ay bayaran na siya ng dating PBB housemate na umutang sa kanya ng dalawang milyon. “Wish ko na sana tulungan ako ni God na palakasin yung business namin na ReJuva,” sey niya na kung saan ay isa itong nail spa and skin care clinics na matatagpuan sa Timog Avenue.

Talagang negosyo ang focus ngayon ni RR dahil gusto niya na mapunta sa tama ang kinita niya sa showbiz. Hilig niya ang pagpapaganda kaya enjoy siya sa pinasok niyang negosyo.“Mainam na may negosyo. Hindi habambuhay ay maaasahan ang showbiz. Ngayon, kung wala ka nang work, e, di wala, wala kang paghuhugutan ng pera kaya ‘yung ipon ko, gusto ko i-invest agad,” deklara pa niya.

Kamakailan ay nag-taping rin si RR para sa seryeng “A Beautiful Affair” ng ABS-CBN 2.

“Kaloka dahil hindi na ako pa-sexy. Ang role ko ay isang barangay tanod na ikinatuwa ni Jayjay (Helterbrand, boyfriend niya) dahil ayaw naman niyang magpa-sexy ako, di ba? Hahahaha. I told myself, gosh hindi ako ito. Hindi ito ‘yung RR na rating nasa Wowowee at Banana Split. Pero nag-i-enjoy ako para maiba lang at payagan ako ni Jayjay,” hirit pa niya na tumatawa.

-0o0-

BUKOD sa bagong serye ni RR Enriquez na “A Beautiful Affair” ay busy siya sa pagma-manage ng bagong tayo niyang business- ang Rejuva Nailspa and Skincare na matatagpuan sa Timog Avenue. Business partner niya rito ang boyfriend niyang basketeer na si Jayjay Helterbrand ng Ginebra.

May paliwanag si RR kung bakit ganitong klaseng business ang naisip niyang itayo.

“Siyempre ever since mahilig akong magpaganda, magpaputi at magpa-sexy. So instead na gumastos para magpunta sa ibang spa, why not have my own para free, ‘di ba? sabi ni RR.”

Ipinaliwanag rin ni RR kung bakit Rejuva ang napili niyang name ng kanilang business.

“Ano it’s short for rejuvenate, di ba?

“And Rejuva has letter r and j. Since business partner kami ni Jayjay, hinanapan ko talaga ng name na merong r and J,”

Equal sharing ba sila ni Jayjay sa kanilang business?

“Mas malaki yung share ko kesa kanya,” sagot ni RR.

“Kasi kunwari may desisyon ako na ipinagawa para sa spa namin tapos mali pala, ipapaulit ko yun, ako na yung gumagastos.

“Hindi na ako humihingi sa kanya (Jayjay)

“Nakakahiya naman kasi kung hihingi pa ako e mali ko naman yun, di ba?”

Ang sabi kapag ang isang magkarelasyon ay nag-partner sa isang business, posibleng magkahiwalay sila.

Ano ang reaksyon niya tungkol dito?

“Actually, sinabi ko naman yun sa kanya e.

“Pero kung ano ba yung plano ni God, kung magkakahiwalay kami e di maghiwalay.

“E di hatiin namin yung pera, ibigay niya sa akin yung pera ko.

“Anyways, pero sana huwag kaming maghiwalay, di ba?

Hindi kaya lihim na silang kasal ni Jayjay kaya nag-partner sila sa isang business?

“Ay, Dyos ko! Walang ganoon.

“Bawal sa amin sa Christian ‘yung mga ganun.

“‘Tsaka bata pa ako,”

Gaya ng ibang magkarelasyon ay nangangarap din naman daw si RR na maikasal. At kung sakaling magdedesisyon a raw sila na lumagay na sa tahimik ni Jayjay ay wala naman daw magiging problema. Annulled na raw naman kasi ang kasal nito sa rati niyang asawa.

“Ilang years na namang annulled yung kasal nila.

“Saka friend ko yung ex-wife niya.

“So walang magiging problema kung sakalaing magpapakasal na nga kami ni Jayjay,”

Kamusta namang boyfriend si Jayjay?

“Okey naman siya, mabait, ganoon.

“Dati siyempre, nung hindi pa siya Christian alam ko naman dahil basketball player di ba, maraming babae ang nag-aano sa kanya.

“Wild siya before.

“Pero ngayon bilang isang Christian, sobrang tino niya nang tao,”

Seloso bang boyfriend si Jayjay?

“Siyempre bilang lalaki, saka parang pagrespeto mo sa kanya, minsan yung mga role, minsan kasi nababasa niya yung mga role na binibigay sa akin.

“Sinasabi niya ayusin mo yung role mo.

“Kailangang baguhin mo yan.

“Kasi, gusto mo ganyan ka na lang, parang nababastos raw.”

“Siyempre bilang isang lalaki na mahal ka lang naman, naiintindihan ko siya,” sey pa niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply