Bishop Mayugba bagong obispo ng Laoag sa Ilocos Norte

NAGTALAGA si Pope Benedict XVI ng bagong obispo ng diocese ng Laoag sa Ilocos Norte sa katauhan ni Lingayen-Dagupan Auxiliary Bishop Renato Mayugba.

Papalitan sa puwesto ni Mayugba si Archbishop Sergio Utleg, na inilipat naman upang maging bagong pinuno ng Tuguegarao Archdiocese.

Si Mayugba, 56, ay ipinanganak noong Disyembre 4, 1955.

Pumasok siya sa pagkapari noong Abril 25, 1981 at naordinahan noong Disyembre 27, 2005.

Wala pa namang petsa na itinakda para sa instalasyon ng bagong Obispo ng Laoag.

Samantala, nabatid na si Infanta Bishop Rolando Tirona naman ay mauupo bilang bagong Arsobispo ng Caceres sa Metropolitan Cathedral of Saint John the Evangelist sa Naga City sa Nobyembre 14.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply