Bistek, Joy Belmonte naghain na ng CoC

NAGHAIN na kaninang umaga ng certificate of candidacy (CoC) si incumbent Quezon City Mayor Herbert Bautista na muling tatakbo sa pagka-alkalde ng lungsod.

Kasabay niyang naghain ng kandidatura sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Quezon City ang katambal na si incumbent Vice Mayor Joy Belmonte.

Mala-piyesta ang naging paghahain ng dalawa dahil sa banda at higantes kamasa ang mga tagasuporta.

Naghain din CoC ang ilang tatakbong konsehal ng lungsod kabilang ang dalawang anak ni Senador Tito Sotto na sina incumbent Councilor Gian Sotto at Lala Sotto.

Sinamahan sila ng amang senador sa Comelec office gayundin si Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte na sinusuportahan naman ang anak na si Joy.

Si Bautista at ang espiritistang si Romeo Avecedo pa lamang ang nakapaghain ng CoC para sa mayoralty post sa Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply