Biyahe ng mga sasakyang pandagat, sinuspinde sa Agusan Sur

SINUSPINDE ang na biyahe ng mga barko at iba pang maliliit na sasakyang pandagat sa Butuan city at Agusan del Sur.

Ayon sa pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG-Caraga), ito ay matapos isailalim ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang lalawigan sa signal #2 dala ng bagyong Ofel.

Bagamat semestral break ang karamihang mga mag-aaral, sinuspinde pa rin ang klase sa lahat ng level sa mga apektadong lugar.

Tiniyak naman ng Coast Guard na mayroon silang mga tauhan na naka-standby kung kakailanganin ng rescue.

Maliban sa Agusan, nakataas na rin ang signal #2 sa Surigao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply