Biyaheng Bikol ng PNR, sinuspinde ng DOTC

KASUNOD ng insidente sa pagkakadiskaril ng tren ng Philippine National Railways’ Bicol Express service sa Quezon province, pansamantala muna itong sinuspinde hanggat hindi naisasaayos ang mga riles.

Ito’y matapos ipag-utos ng Department of Transportation and Communications ang suspensiyon gayundin ang malalimang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Ayon naman sa mga engineers ng PNR may posibilidad na abutin ng tatlong linggo o mahigit pa bago matapos ang pagsasaayos ng riles.

Noong Biyernes, siyam na pasahero ang nasugatan, matapos madiskaril sa riles ang tren ng PNR sa bayan ng Sariaya sa Quezon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply