Black, Jarencio may tatapusin?

ALAM ni Ateneo coach Norman Black na mas matindi ang ipakikitang laro ng University of Santo Tomas matapos angkinin ng Blue Eagles ang Game 1 ng 75th UAAP men’s basketball Finals na ginanap sa Mall of Asia Arena.

“We expect them (Tigers) to come back strong, we’ll just prepare.” ani Black.

Naging mainit ang labanan sa Game 1 dahil bukod sa referees ay nabuntunan din ng galit ni Tiger coach Pido Jarencio ang dating kasamahan sa PBA na si Black.

Hindi nagustuhan ni Black ang mga binitawang salita ni Jarencio sa mga referee, “Kailangan bang mag-English ako para paboran ako. Ganyan na ba ang labanan dito? Nasa Pilipinas tayo dapat tayong mga Pilipino’ng dapat mahalin ng mga ‘yan.”

Kaya naman sa Game 2 bukas na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum ay pihadong mas magliliyab ang init sa loob ng basketball court dahil may halong poot at galit ang digmaan ng four-time defending champion Ateneo at ang uhaw sa kampeonatong UST.

Samantala, nirebisa ni commissioner Ato Badolato ang tape ng Game 1 at nakita nitong walang dapat ikagalit si Jarencio dahil naging patas naman ang tawag ng mga referees.

“I really don’t know what complaint coach Pido (Jarencio) has been making,” sabi ni Badolato noong Martes sa PSA Forum sa Shakey’s Malate. “But as far as I’m concerned the referees made a creditable job in that game.”

Inangal ni Jarencio ang itinawag na pang-limang foul kay Karim Abdul at ang hindi pagbigay ng tatlong free throws kay Jeric Teng ng sabitan siya ni Blue Eagles forward Ryan Buenafe.

Ayon sa mga official lima na ang lamang ng Ateneo at may .02 na lang sa orasan at dahil nagpasukan na ang mga players sa court ay hindi na ito tinawag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply