”Blacksand mining” sa Malimpueg, inulan ng batikos

NAGLUNSAD ng open forum sa Luzon-wide student press convention ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP) sa Dagupan City Water District, Dagupan, Panggasinan, hinggil sa kontrobersyal na “blacksand mining” sa Malimpuec, Lingayen.

Kabilang sa mga speakers ay sina Arnold Padilla ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at mga kawani ni Gov. Amado T. Espino Jr. ng Pangasinan na sina Provincial Public Information Officer Butch Velasco at Provincial Administrator Rafael Baranan.

Matapos ang Basic Masses Integration sa Malimpueg ng mahigit 70 mamamahayag pangkampus kahapon, kung saan hinarang sila ng mga guwardya ng naturang pasilidad, nagkaroon ng forum sa naturang convention upang talakayin ang kalagayan ng isinasagawang proyekto sa Malimpueg at ng mga lokal na mamamayan sa naturang komunidad. Sa kalagitnaan ng nagaganap na forum, binisita ng mga kawani ni Governor Espino ang convention upang hilingin na makapagbigay sila ng pahayag ang mismong gobernor hinggil sa naturang isyu.

Idinepensa naman ni Ana Patricia CEGP Vice President for Luzon na inimbitahan ang gobernador sa convention, at hindi raw nakatugon ang opisina ng gobernador sa ipinaabot na paanyaya.

Naging mainit ang naging talakayan ng bawat panig hinggil sa isyu.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply