Blessed Calungsod, lilipad pa-Roma ngayong umaga

LILIPAD ngayon umaga na ililipad ang imahe ni Blessed Calungsod sa Roma upang kilalanin bilang ganap na Santo ng Pilipinas.

Bago ilipad si Blessed Calungsod ay nagsagawa ng maagang motorcade ang daang-dang deboto sa paghahatid sa estatwa sa Cebu Metropolitan Cathedral kung saan isinagawa ang isang misa na pinangunahan ni Msgr. Robert Alesna.

Nabatid na may tatlong talampakan taas ang imahe ni Blessed calunsod at ito ay bibiyahe at isasakay sa eroplano bilang isang pasahero na nangangahulogang may sarili itong upuan kasama  ang official custodian nito na si Fr. Charles Jayme upang dalhin sa Vatican City, Rome.

Sa oras naman na makarating na sa Roma ang  imahe ni Calungsod ay ilalagay ito sa  Colegio Filipino sa Roma at sa Oktubre 18 isang ‘Triduum’ o tatlong araw na pagdarasal ang gaganapin sa iba’t ibang simbahan ng Roma bago ang canonization ni Pedro Calungsod sa Oktubre 21 na pangungunahan ng Santo Papa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply