Blessed Pedro Calungsod idineklara ng Santo

TUWANG-tuwa ang Malakanyang dahil pangungunahan ngayon ni Pope Benedict XVI ang seremonya ng pormal na pagdeklara bilang santo ng Simbahang Katolika kay Blessed Pedro Calungsod  sa Vatican.

Bukod dito, kasama ang pamahalaang Aquino ng lahat ng mga Katoliko sa buong mundo para gunitain at ipagdiwang ang pagiging ganap na santo ni Pedro Calungsod.

“On October 21, 2012, the Catholic world comes together as Pope Benedict XVI proclaims Blessed Pedro Calungsod as Saint of the Catholic Church. This is a day of great spiritual joy and national pride not only for Filipino Catholics, but for all those who call the Philippines their home, especially our countrymen in the Visayas and Mindanao,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Aniya, ito ay araw para sa ispiritwal na kaligayahan at national pride hindi lamang para sa mga Katolikong Pilipino, kundi maging sa lahat ng kumikilala sa Pilipinas bilang tahanan.

Sina Vice President Jejomar Binay at Energy Sec. Jose Rene Almendras ang kakatawan sa pamahalaang Aquino sa gaganaping canonization.

“A delegation of officials led by the Vice President and Secretary Rene Almendras will be present in St. Peter’s Square together with the senior prelates of the Philippine Catholic hierarchy and a multitude of pilgrims to witness the canonization of Blessed Pedro Calungsod who has been described as a protomartyr. Filipino Catholics well recall that it was under the reign of Pope John Paul II – a pontiff who held Filipinos very dear to his heart – and upon the initiation of His Eminence Ricardo Cardinal Vidal, that the beatification for Calungsod was initiated in 1994 and culminating in his beatification in 2000. In 12 short years, the canonical requirements for his canonization has been fulfilled. We join the Catholic world on this day of solemn commemoration and celebration,” ayon kay Usec. Valte.

Sinasabing, nasa St. Peter’s Square na rin sa Vatican ang mga senior prelates ng Philippine Catholic hierarchy at mga pilgrim mula sa Pilipinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply