Blessed Pedro Calungsod, maglalakbay sa Roma

NAKAHANDA na ang Cebu Archdiocese para sa paglalakbay ng delegasyon ngayong Oktobre 16 para sa nakatakdang canonization ni Blessed Pedro Calungsod.

Bibiyahe patungong Roma ang tatlong talampakang imahen ni Blessed Calungsod bilang isang pasahero sa eroplano katabi ng kaniyang custodian na si Father Charles Jayme.

Nag-alok ang Cebu Pacific sa Cebu Archdiocese na isasakay hindi bilang cargo kundi isang pasahero ang imahen ni Blessed Calungsod .

Bago ang paglalakbay, gagawin ang motorcade mula sa Cebu Metropolitan Cathedral patungo sa Mactan Cebu International Airport para sa send off ceremony.

Pagbalik nito sa Pilipinas, ilalakbay ang imahen sa 36 bayan at syudad sa boung bansa para ipakilala ang bagong Santo na si Calungsod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply