Block Commander ng QCPD, sinibak

SINIBAK na sa kanyang pwesto bilang Police Community Precinct Commander si SPO4 Rommel Concha ng Bargy. Unang Sigaw Police Community Relations.

Ito’y kasunod ng nangyaring holdapan sa isang tindahan sa Edsa Balintawak noong Linggo ng madaling araw, kung saan binugbog at pinaghahampas ng upuan ang trenta anyos na si Estefanie Bernardo matapos na tangayin ang P7,000 kita.

Ang pagpapalabas ng relieved order ay pirmado ni QCPD Director Mario Dela Vega batay na rin sa direktang kautusan mula kay NCRPO Director General Leonardo Espina.

Isinailalim na ngayon sa imbestigasyon kung may kapabayaan sa panig ng ni relieved na si Concha samantalang pinagpapaliwanag naman ang Station 3 Commander na si PSupt Michael Macapagal sa naganap na panghoholdap sa kanyang area of responsibility.

Sinampahan na rin ng kasong robbery w/ frustrated homicide ang arestadong suspek na si Erwin Salinas na nakakulong ngayon sa QCPD Station 3.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply