Bloggers, netizens naghain na rin ng petisyon vs cybercrime law

PATULOY na nadaragdagan ang mga naghahain ng petisyon kontra sa kontrobersiyal na Cybercrime Prevention Act 2012 o anti-cybercrime law.

Naghain na rin ng petisyon sa Korte Suprema ang grupo na kinabibilangan ng mga blogger at netizens mula sa Visayas at Minadanao.

Sa 74-pahinang petisyon, hiniling ng grupoang pagpatawag ng oral argument ng SC kaugnay sa kontrobersiyal na batas dahil sa hayagang paglabag umano sa karapatang pantao.

Kasama sa kanilang kahilingan ang pagpapawalang bisa ng SC sa sections 4, 5, 6, 7, 12 at 19 ng cybrecrime law dahil sa nilalabag umano nito ang mga nabanggit na probisyon lalo na ang freedom of speech, right against due process, double jeopardy, unreasonable searches and seizures at equal protection law.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply