Boarding house sa Gen San, nasunog

NASUNOG ang dalawang palapag na boarding house sa lungsod ng General Santos Linggo ng gabi.

Ang  boarding house ay pag-aari ng isang Dominador Dizon na nasa Boatilez stree, Barangay Dadiangas South at halos skeleton na ang dalawang palapag na boarding house nang maapula ang apoy na nagsimula
dakong alas 6:15 ng gabi.

Sa imbestigasyon na ginawa ni Fire Officer 3 Melvin Pramida, electrical faulty wirings ang itinuturong dahilan matapos ang sunod-sunod na pagsabog sa loob ng isang kwarto sa pangalawang palapag
na pinaniniwalang naiwanang rice cooker ng mga estudyante na nangungupahan sa nasabing boarding house.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau Of Fire Protection sa pinangyarihan ng sunog subalit maraming mga estudyante ang nawalan na kanilang mga gamit na naabo dahil marami sa mga ito ang nangungupahan na wala sa kanilang mga kwarto at nasa kanilang mga klase ng mangyari ang sunog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply