BOC official, isinangkot sa pag-aangkat ng substandard steel

KINALAMPAG ni Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento ang Deparment of Trade and Industry at ang Bureau of Customs kaugnay sa pagpasok ng mga “substandard steel products” mula sa China.

Partikular na binanggit ni Sarmiento ang alegasyon ng Philippine Iron and Steel Institute (PISI) na, aniya’y, hindi dapat ipagwalang bahala dahil ang sinasabing mga bakal na naipapasok sa bansa ay mapanganib sa publiko.

Bukod pa, aniya, dito ang katotohanang malaking halaga ng buwis ang nawawala sa kabang yaman ng Pilipinas.

Nais ni Sarmiento na imbestigahan ng DTI at BOC maging ng Kamara ang alegasyong ito ng PISI dahil malaki ang bahagi ng industriya ng bakal sa ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Sarmiento na kailangang aksyunan ni BOC Commissioner Rozzano Rufino Biazon ang balitang sa pier ng Cebu ipinapasok ang mga naturang bakal mula sa China sa diumano’y pakikipagsabwatan ng district collector na si Ronnie Silvestre sa Joyland Industries.

“I shiver to even imagine that these steel products which doesn’t go though proper quality inspection would end up in the one of the high-rise condominiums which are sprouting like mushrooms in many urban centers nationwide,” ani Sarmiento.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply