BOC vs counterfeit goods

MALAPIT na ang Christmas season at sa panahon na ito,  siguradong kakalat na naman ang mga pekeng gamit na ibinebenta sa mga pamilihan. Sa Divisoria at maging sa mga mall, walang pakundangan ang mga trader na ibenta ang kanilang pekeng mga gamit kumita lamang.

Kaya sa huli, ang kawawa ay ang publikong ang akala’y naka-jackpot sa nabiling mga gamit na ‘di genuine kundi counterfeit goods.

Kaya inalerto na ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang kanyang mga tauhan sa mga pantalan na maging mapagbantay para mapigilan ang pagpasok ng counterfeit items sa bansa. Hindi nga nagkamali ang butihing komisyoner dahil kamakailan ay nasakote nila ang iba’t ibang uri ng pekeng mga gamit.

At isang kompanya na tumutunog sa pangalan na Telsphere International Trading Corp. (TELSPHERE) ang nagdala sa bansa ng nasabing fake goods na nagkakahalaga ng P60 million.

Tila walang kadala-dala ang kompanyang ito dahil pangalawang beses na pala itong nahulihan ng counterfeit goods. Ang kontrabandong muling nabuko ng Biazon team ay pawang iligal na imported goods na nakasilid sa dalawang forty-footer container vans.

Idineklara ng TELSPHERE ang kanilang kargamento bilang kitchen wares, baterya, sapatos, pagkain at damit. Ngunit  nang inspeksyunin ang mga container van, lumabas na mga pekeng Adidas, Abercrombie, Levi’s at mga piyesa ng motorsiklo, gulong tulad ng Michellin at Dunlop, beauty products tulad ng L’Oreal at ibang produktong pagkain na kinakailangan ng clearance mula sa Food and Drugs Administration. Ang naturang kontrabando ay mula bansang Tsina at dumating sa Port of Manila.

Ayon sa mga BOC prober, ang estilong ‘di pagdedeklara ng tamang laman ng kargamento ay pag-iwas ng pagbabayad ng tamang buwis.

Kaya kung inakalang kinalimutan na ni Biazon ang kanyang pagtutuwid sa Aduwana, ito ay isang pagkakamali ng mga ismagler.

Aabutin kayo ng mga kamay ng BOC kahit saan o sa kahit na anong paraan ang gagawin ninyong estilong pagpupuslit.

E ito naman TELSPHERE at broker nito, nagpapatawa yata sila. Nabuko na nga sila noong Agosto 17, aba inulit pa sa pag-aakala sigurong malusutan ang nagkakaisang Biazon team.

Lintek!

Muli ang ating pagpapaabot ng papuri sa kasalukuyang liderato ni Comm. Biazon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply