Bodega ng carnap vehicle sa Tandag, Surigao Sur ipinabubuwag

IPINABUBUWAG ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang isang bodega matapos na makuha rito ang walong carnapped na mamahaling sasakyan sa Tandag Surigao del Sur.

Ang nasabing bodega ay matatagpuan mismo sa national highway ng Tandag at pagmamay-ari umano ng isang kilalang negosyante sa nasabing lugar.

Ayon sa PNP, sa nasabing bodega umano binabagsak ang nakaw na sasakyan mula Luzon at iba’t ibang bahagi ng Mindanao. Sa nasabing bodega rin umano inaayos at nire-repaint ang mga sasakyan bago pa man ito ibenta sa mas murang halaga.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply