‘Bodyguard’ ng vice mayor, kulong sa shabu

KULONG ang nagpakilalang bodyguard ng vice mayor ng Masbate City nang mahulihan ng shabu at paraphernalia sa Malabon City kagabi, Oktubre 8.

Nakilala ang suspek na si Rodolfo Echavez, nasa hustong gulang ng Lapu-Lapu ext., nasabing lungsod.

Base sa ulat, alas-10 ng gabi, paikot-ikot ang suspek sakay ng motorsiklo sa nasabing lugar na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Nang respondehan ay pinara ang suspek at nang kapkapan ay nakuhanan ng isang sachet ng shabu at mga paraphernalia.

Sinabi ng suspek na bodyguard siya ng vice mayor ng Masbate City subalit hindi na sinabi ang pangalan ng amo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply