Bodyguard ni Pacman binurdahan, patay

(UPDATE) NASAWI ang close-in bodyguard ni world boxing champ at Sarangani Representative Manny Pacquiao makaraang 12 ulit na saksakin ng suspek na nagselos sa biktima kagabi sa Doña Soledad, Barangay Labangal sa General Santos City.

Nakilala ang biktima na si Senior Police Officer Rey Edradan, miyembro ng Sarangani police office, na nagtamo ng maraming saksak sa katawan na ikinamatay nito sa isang hospital sa naturang lugar.

Ayon sa ulat ng Makar police station, papasok sana ang biktima sa bahay ng isa niyang babaing kaibigan na si Rowena Cabaniog sa Doña Soledad Subdivision, Barangay Labangal bandang alas-11:45 ng gabi nang atakihin siya ng suspek na umano’y dating live-in partner ni Rowena.

Base sa mga salaysay ng mga nakasaksi sa pulisya, tinulungan pa umano ng suspek na madala sa ospital ang biktima at tumakas din matapos itong ihatid at tinangay maging si Cabaniog at kanyang dalawang anak.

Selos ang tinitingnang anggulo ng mga imbestigador na siyang naudyok sa suspek kaya pinagsasaksak nito si Edradan nang dumalaw kay Rowena.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulisya upang madakip ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply