Bolts nagdala ng sariling security

TIWALANG hindi na ulit mananakawan ang Meralco Bolts nang pumunta sila sa kanilang bench kaya naman nagupo nila ang Air21 Express, 85-72 sa elimination round ng 2012-2013 PBA Philippine Cup sa SM MOA Arena kagabi.

Nitong nakalipas na Miyerkules ay masaklap ang naging gabi nila sa MOA Arena dahil bukod sa natalo sila ng isang puntos sa Globalport Batang Pier ay pinasok ng mga magnanakaw ang kanilang dugout sa kasagsagan ng laro.

Noong Linggo ay nagdala na ang Bolts ng sarili nilang security upang hindi na maulit ang nangyari sa kanila.

Bumira si Sol Mercado ng 24 points at 18 si Mac Cardona upang sumampa sa solo fourth place ang Meralco sa team standings tangan ang 3-2 win-loss slate.

Medyo kumakasa ang Express sa first canto dahil abante lang ng apat na puntos ang Bolts, 14-18 subalit umalagwa ang huli sa haltime, 33-43.

Ang mga nawala kay Bolt head coach Ryan Gregorio ay wallet, IPad, IPhone, credit cards, pera at pinakamahalaga ay ang files na ginagamit sa pag ko-coach.

Ang tanging nakitang gamit ni Gregorio ay ang kanyang sling bag na nasa malapit sa fire exit na ang laman na lang ay mga gamot niya at ang susi ng kanyang sasakyan.

Ang ibang nawalan ay sina assistant coach Ronnie Magsanoc, shooting coach Xavy Nunag at conditioning coach Mon Macatangay.

Sa second game, kahit kulang-kulang ang Petron Blaze Boosters ay nagawa pa rin nilang tunggain ang Barangay Ginebra Gin Kings, 98-95.

Samantala, nakatakdang magbanggaan ng mga katawan bukas ang Barako Bull Energy Cola at Talk ‘N Text Tropang Texters sa alas 5:15 ng hapon at pagkatapos ay maglalaban naman ang Rain or Shine Elasto Painters at San Mig Coffee Mixers sa 7:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply