Bomb expert, parak tiklo sa Zamboanga

NADAKIP ng pinagsanib na puwersa ng military intelligence at PNP ang isang wanted kidnapper at bomb expert na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at ang kasama nitong pulis na may dalang isang improvised explosive device (IED) sa mismong sentro ng bayan ng Zamboanga City.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang nadakip na hinihinalang Islamic extremist na si Rakib Jairi Janihul alyas “Abu Sulaiman” at ang kasamahan nitong pulis na si PO3 Asbi Sahibul na naka-assign sa Haji Mutamad Municipality sa probinsya ng Basilan.

Lumalabas na matagal ng panahong tinitiktikan ng mga intel operatives ang suspek hanggang sa mag positibo ang mga awtoridad sa kanilang impormasyon kayat isnag dragnet operation ang ikinasa sa sang coffee shop sa may Rizal Street sa lungsod.

Batay sa report, nakuha ang IED sa loob ng dalang bag ng naarestong pulis habang ipinagdiriwang ang Fiesta Pilar ng syudad noong Biyernes.
.
Nabatid na isinalang muna sa tactical interrogation ang dalawa bago inilutang upang hindi masunog ang isinasagawang follow up operation laban sa mga hinihinalang kawing ng dalawang grupo na posibleng nagtatago na rin sa lungsod.

Batay sa intelligence information ng military, may ilang mga lugar ang plano sanang pagtaniman ng  bomba ng mga suspek subalit hindi ito natuloy dahil sa pagkakahuli sa kanila.

Ilan sa mga maseselang impormasyon ang pinakiusapan ng awtoridad na huwag na lamang ipalabas sa publiko.

Base sa record ng awtoridad, si Jairi ay sangkot sa maraming mga insidente ng kidnapping sa Western Mindanao kabilang na ang Golden Harvest Plantation kidnapping sa may Barangay Tairan, Lantawan, Basilan noong taong 2002 at ang pagdukot sa mga guro at estudyante ng dalawang paaralan sa may Tumahubong noong taong 2002 sa mismong probinsya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply