Boracay, naka-1 milyong turista na

NAABOT na ng isla ng Boracay ang target nitong makakuha ng 1-milyon tourist arrival ngayong araw.

Kahapon, dumating sa Boracay ang ika-1 milyon nitong turista na So Yuki Mau ng South Korea at kasamang magbabakasyon sa isla ang kanyang asawa’t dalawang anak.

Kaugnay nito, kinumpirma ng Municipal Tourism Office ng Malay, Aklan aabot pa sa 1.2-milyon turista ang kabuang bilang ng mga dayuhang bibisita sa Boracay ngayong taon.

Bilang parangal, bibigyan ng isang bonggang bakasyon ang natukoy na pang-isang milyong turista na kinilalang si Yuki Mau ng South Korea.

Siya ay bibigyan ng libreng masahe sa Mandala spa, unlimited na kain sa Shangrila at Fairways and Blue Waters Hotel at unlimited drinks sa Club Paraw.

Sa kabilang dako, pitong ambassador ang nagkaroon ng pribadong bakasyon sa Boracay kasama ang kanilang mga pamilya.

Ito ay kinabibilangan ng ambassador ng Amerika na si Harry Thomas, ambassadors ng Vietnam, Italy, Czech Republic, Romania, Iraq at Greece.

Ayon kay Sangguniang Bayan member Jonathan Cabrera ng Malay, Aklan, ito ay malaking pagkakataon sa isla na madalaw ng mga kinatawan ng naturang mga bansa upang maiparating ng mga ito sa kanilang mga
mamamayan na perfect tourist destination ang Boracay.

Ayon kay Mars Baron Bernabe, technical staff ng Caticlan jetty port, handa na ang seguridad ng binuong Task Force Boracay sa pagdating ng barko lulan ang nasa 2,000 pasahero at mga tripulante.

Naka-deploy na ngayon sa isla ang mga miyembro ng Philippine National Police, Philippine Army, Philippine Coast Guard, Philippine Red Cross, Municipal Auxilliary Police at iba pang organisasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply