Boxing champ Cuello, naiwan ang title belt sa taxi

NAIWAN ni Filipino boxer Denver Cuello ang kanyang  title belt sa loob ng taxi na kanyang sinakyan nitong Lunes ng gabi, Oktubre 8, sa Pasig City.

Kaya pakiusap nito sa hindi nakikilalang taxi driver na pakisauli ang kanyang title belt at siya na ang bahala  para sa kaukulang pabuya.

Ayon kay Cuello, na may 32 wins, 4 losses, 6 draws) na sumakay siya sa isang taksi sa Cubao area at nagpahatid sa isang mall sa Sumulong Highway sa Pasig City.

Sa pagmamadali, nakalimutang bitbitin ni Cuello ang kanyang World Boxing Champion Silver minimumweight title belt, na kanyang nakuha sa isang boxing bout laban kay Mexican Carlos Perez noong Oktubre 2011 nang bumaba na siya sa sasakyan.

Naalala na lamang niya ang kanyang pagkalimutin nang nasa loob ng siya ng naturang shopping mall.

Sinabi ni Cuello na hindi niya nakuha ang plate number at maging ang pangalanan ng naturang taksi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply