Bradley vs Berto hinihilot sa Disyembre 15

MULING aakyat sa boxing arena si WBO welterweight champion Timothy Bradley para idepensa ang kanyang hawak na korona.

Bagama’t wala pang pinangalanang magiging kalaban, malakas ang usap-usapang si dating welterweight titleholder Andre Berto ang makakaharap ni Bradley.

“We’re trying to lock in Berto,” ayon kay Top Rank vice president Carl Moretti. “HBO is working on it right now. If all things come together over the next couple days that’s what we’re looking at.”

Kung maalala, naagaw ni Bradley ang welterweight belt mula kay 8-division world champion Manny Pacquiao sa isang kontrobersiyal split decision noong nakalipas na buwan ng Hunyo.

Sa panig ni Berto siya ang dating WBC welterweight champion ngunit natalo siya lamang noong Abril kay Victor Ortiz.

Sakaling matuloy ang Bradley-Berto fight, gagawin ito sa Disyembre 15 sa Marlins Park, Miami.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply