Brgy. chairman, driver sugatan sa ambush

NAGTAMO ng mga sugat ang barangay chairman kasama ang driver ng vice-mayor ng munisipyo ng Tipo-Tipo, Basilan makaraang tambangan ng armadong kalalakihan sa naturang lugar kagabi.

Nabati na kagagaling lamang sa Lamitan ni Tipo-Tipo Vice-Mayor Shuaib Maralil kung saan kasama niya ang barangay chairman na si Basal Abdullajid at habang pabalik na sa munisipyo ay hinarang sila ng mga armadong kalalakihan at ppinagbabaril ang kanilang sasakyan.

Masuwerte namang hindi tinamaan si Maralil ngunit natadtad ng tama ng bala ng baril ang kanyang sasakyan habang nagtamo naman ng tama ng bala ang barangay chairman at ang driver ng vice mayor.

Hinala naman ni Maralil na politika ang motibo sa ambush at target siya ng mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply