Brgy. kagawad timbog sa droga

ISANG aktibong barangay kagawad na matagal ng sinusubaybayan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagtutulak ng shabu ang inaresto sa pamamagitan ng search warrant operation sa  Sarangani Province.

Kinilala ni Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., PDEA Director General, ang nahuling suspek na kinilalang si Haron Malagos, 42 anyos, barangay kagawad at residente sa Purok Sumimba, Barangay Sapu Masla, Malapatan, Sarangani Province at kabilang sa target list ng PDEA na sangkot sa iligal na droga sa probinsya.

Sa pamamagitan ng search warrant na inihain ng mga elemento ng PDEA Regional Office 12 (PDEA RO12 ) sa pamumuno ni Director Aileen Lovitos noong Oct. 10 at Sarangani Provincial Police ay nakuhanan ng limang gramo ang sachet ng shabu si Malagos sa mismong bahay niya sa Barangay Sapu Masla.

Nakakuha rin ang mga awtoridad ng apat na basyong magazine ng riple at 506 na piraso bala ng 5.56 mm  para sa M-16 rifle.

Samantala, ng araw ding iyon nadakip din si Reynan Guillano habang binebentahan ng isang pakete ng tuyong dahon ng marijuana ang isang poseur buyer sa lugar nito sa Pabloco, Barangay Kalawag 1, Isulan, Sultan Kudarat.

Dahil dito, ang dalawa ay kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 . Pansamantalang nakapiit sa PDEA RO12 si Malagos habang si Guillano ay nasa kustodiya ng Isulan Municipal Police.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply