Brillantes: Hatol ng poll body sa partylist groups, irespeto

NANINIWALA si Comelec Chairman Sixto Brillantes na irerespeto ng Malacañang ang anumang magiging hatol ng poll body sa isyu ng mga partylist na posibleng tanggalin para makatakbo sa 2013 elections.

Ito ay kaugnay sa umiinit na isyu ng disqualification ng grupong Akbayan na kilalang malapit sa administrasyong Aquino.

Kahapon lamang ay nagkainitan  ang grupo ng Akbayan at Anakbayan sa isinagawang presscon sa isang restaurant kung saan sinasabi ng ilang miyembro ng Anakbayan na hindi naman maituturing na “marginalize”  ang organisasyong malapit sa Palasyo.

Katunayan, ilang mga opisyal ng Aquino administration ang kasapi sa Akbayan gaya na lamang nina Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales at Presidential Adviser on Political Affairs Sec. Ronald Llamas.

Kaunay nito, itinanggi naman ni Brillantes na  may ‘pressure’  sa kanilang tanggapan mula sa Malacañang  ngunit inamin ng Komisyuner na  may tumawag sa kaniya mula sa Kongreso ngunit nagtanong lamang sa status ng kaso at hindi para impluwensyahan ang botohan ng commission en banc.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply